Bakit Ko Kailangang Pumatay ng Tao Bago Makasakay ng UV Express sa Baclaran: Isang Pagninilay-nilay

Bakit Ko Kailangang Pumatay ng Tao Bago Makasakay ng UV Express sa Baclaran: Isang Pagninilay-nilay

AKO ay isang estudyante na nag-aaral sa Maynila ngunit nakatira sa isang siyudad na clean and green (and not to mention, orange). Kung hindi kayo updated sa mga slogan ng mga siyudad at ang mga political colors na kumokontrol dito, ako po ay nakatira sa Las Piñas.

Bilang hindi naman ako nagdodorm dahil

  1. mahal magdorm
  2. mahal ako ng nanay ko
  3. mahal ko ang luto ng nanay ko
  4. mahal ko ang internet,

kailangan kong mag-commute araw-araw para lamang makapasok sa minamahal kong Unibersidad.

Nakakaloka, sa totoo lang. Mula sa amin ay tatlong beses akong lilipat ng sasakyan para lamang makarating sa eskwelahan – jeep, UV Express, at jeep ulit.

Ako muna ay maglalakad ng mga tatlong minuto para makarating sa kalsada. Pagdating sa kalsada, ako ay mag-aabang ng jeep na papuntang Baclaran. May dalawang uri ng jeep na papuntang Baclaran – ang Baclaran Tambo, at Baclaran Coastal. Ang kailangan kong sakyan ay Baclaran Coastal ngunit, dahil unfair ang mundo, mas madaming Baclaran Tambo na jeep kaysa sa jeep na Baclaran Coastal. Malas ko pa kapag ako’y may PE na 7:00 AM, natataon ako sa morning rush at kinakailangan ko pang sumabit mula sa amin hanggang Kabihasnan (UST hanggang SM Manila yun, friends).

Kung ako ay makasakay ng jeep na Baclaran Coastal, ako ay bababa malapit sa branch ng Lydia’s Lechon sa Baclaran na mas kilala yata bilang terminal kaysa sa isang restaurant.

Dito ako sumasakay ng UV Express na papuntang Lawton. Sa limang araw na ako’y pumapasok, siguro tatlo o apat na araw dito ang mga araw na nahihirapan akong sumakay. Ito yung mga araw na pakiramdam ko ako si Katniss Everdeen na may bonggang braid na kailangang pumatay ng tao para makasurvive with matching pana effects.

Nakakairita, sa totoo lang. Lalo na kung nauna ka sa paghabol sa UV sabay ikaw pa yung mawawalan sa huli. Masakit. Lalo na yung mga sumasakay ng UV na papuntang Lawton eh sa Libertad lang naman pala bababa. Sana nilakad mo na lang teh. Nakakairita din yung mga gusto sa tapat ng simbahan ng Baclaran sila ibababa kahit alam na bawal doon at kinakain nila yung space na dapat sana para sa isang estudyante na 30 minutes na lang late na sa klase niya.

Hindi ba nila naiintindihan na kami ang pag-asa ng bayan? Na kapag na-late kami dahil sa katamaran nilang maglakad eh pwede kaming bumagsak? Na kapag bumagsak kami hindi kami makakakuha ng matinong trabaho? Na kapag hindi kami nakakuha ng matinong trabaho magugutom kami? Na kapag nagutom kami it’s either mababaliw o mamatay kami? Paano na ang Pilipinas? Magiging bayan ng mga gutom? Ng mga baliw at patay? (wait current situation ba ng Pilipinas ang dinescribe ko?)

Kaya nga kapag kailangan ko na talagang makasakay, tinataboy ko lahat ng mga hindi estudyante, babae, at matanda. Pare-pareho tayong may pupuntahan, pero kaunting consideration naman sa akin na puting-puti ang uniform na amoy Downy pa. Kasi kapag nag-tagal ako sa ilalim ng araw dahil sa pagiging mapagbigay ko iitim ako, pagpapawisan ako, at babaho ako – sayang naman ang rubadabango. Isa pa, malelate na ako; baka naman din malelate na din kayo pero sana pagbigyan niyo naman ako kasi mas bata ako at wag niyo akong sisingitan papasok ng van – lalo na kung sa may Libertad lang naman kayo bababa.

Image credits:

 

About these ads

One thought on “Bakit Ko Kailangang Pumatay ng Tao Bago Makasakay ng UV Express sa Baclaran: Isang Pagninilay-nilay

  1. Nakarelate ako sa kwento mo…at dahil alam ko lahat ang mga lugar na binanggit mo feel na feel ko ang pagkairita mo…malapit na tag-init, cool ka lang ha?? Pero sana medyo may epekto ang walang tigil na experiments ng MMDA sa iyo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s